Saguiguit bagong Altas coach

Chris Co (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hahawakan ni Mike Saguiguit ang basketball program ng University of Perpetual Help System Dalta para sa mga darating na season ng NCAA.

Pormal nang itinalaga ng Perpetual Help si Sagui-guit bilang bagong head coach ng Las Piñas-based squad upang palitan si dating mentor Frankie Lim.

Matatandaang nagbitiw si Lim bilang head coach noong Setyembre.

Nagsimula na ang bagong tungkulin ni Saguiguit noong Disyembre 1.

“He’s now the coach starting December 1,” ani Perpetual Help liaison officer Anton Tamayo.

Sa pagpasok ni Saguiguit, umaasa ang pamunuan ng Perpetual Help sa mas magandang kampanya ng koponan sa mga susunod na edisyon ng torneo.

Noong Season 95, nagtapos sa ikapitong puwesto ang Altas tangan ang 5-13 rekord.

Sa kabilang banda, ipinasa ni Saguiguit ang pagmando sa high school division kay Joph Cleofas na ilang taon na ring bahagi ng Perpetual Help coaching staff.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with