Kapit lang si Hidilyn Diaz
Hidilyn Diaz

Kapit lang si Hidilyn Diaz

Nilda Moreno (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Takot at nalulula sa matataas na lugar si 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz pero sa kanyang Instagram post, ipinakita nito ang kanyang tatag at lakas ng loob.

Sa litrating pinost ni Diaz sa IG, nasa mataas na bahagi ng building si Filipino weightlifter Diaz at ang caption ay inihalintulad sa totoong buhay, ang pagiging matatag.

“Takot man ako sa height pero kumakapit at nag-i-smile pa rin, ganun din this year may anxiety worries man lumalaban pa rin tayo ‘di ba?” saad ni 29-year-old Diaz.

Natengga si Diaz sa Malaysia noong pang Marso dahil inabutan siya ng lockdown bunga ng pag-atake ng coronavirus (COVID-19).

“Looking back when the first lockdown (MCO) happened, me and #TeamHD were so worried. We were wondering where we would train and if our journey toward Olympics will stop.” caption naman ni Diaz sa video niya sa IG.

Patuloy na naghahanda si Diaz upang masilo ang minimithing ticket para sa Tokyo Olympics sa susunod na taon sa Japan.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with