Gilas mabigat ang haharaping laban sa 3rd window ng FIBA Asia Cup qualifier

Chris Co (Pang-masa) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sesentro na ang atensiyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers dahil mas matinding laban ang haharapin ng Gilas Pilipinas.

Kasalukuyang may malinis na 3-0 rekord ang Pilipinas para okupahan ang unang puwesto sa Group A kasunod ang South Korea (2-0), Indonesia (1-2) at Thailand (0-4).

Tatlong mabibigat na laro pa ang naghihintay sa Gilas Pilipinas sa third window-- dalawa kontra sa Asian power South Korea at isa laban naman sa Indonesia.

Bagong mukha ang ipaparada ng Indonesia dahil naaprubahan na ang naturalization ni Lester Prosper na dating import ng Clumbian Dyip sa PBA.

Pasok na rin ang pangalan ni Indonesian-American guard Brandon Jawato para lubos na pa-lakasin ang puwersa ng Indonesia sa third window ng torneo.

Wala sina Prosper at Jawato nang ilampaso ng Gilas Pilipinas ang Indonesia, 100-70 sa first window noong Pebrero na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Sa debut ng dalawa sa second window sa Manama, Bahrain, nagparamdam agad sina Prosper at Jawato para dalhin ang Indonesia sa 90-76 panalo kontra sa Thailand.

Muntik nang maka-triple double si Jawato na umiskor ng 22 puntos, walong rebounds, walong assists at isang steal habang naglatag naman ng double-double output na 19 puntos at 13 boards si Prosper.

Hawak pa ang Indonesian squad ni Serbian mentor Rajko Toroman na kabisado na ang sistema ng laro ng mga Pinoy dahil ilang taon din itong naging head coach ng Gilas Pilipinas.

Madalas namang nagpapadala ng solidong koponan ang South Korea na itinuturing na isa sa mortal na karibal ng Pilipinas sa Asian level.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with