_pang-masa
^

May advantage ang Ginebra

Russell Cadayona (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa isang bigating koponang kagaya ng TNT Tropang Giga, itinuturing ng Barangay Ginebra ang kanilang mga laban sa best-of-seven championship series bilang ‘do-or-die’ games.

Ngunit posibleng magkaroon ng malaking bentahe ang Gin Kings dahil sa strained left calf ni Tropang Giga leading scorer Ray Ray Parks, Jr.

“Ray is highly doubtful to play in Game Two. We are hoping he could play on Friday,” pahayag ng TNT team matapos makuha ang resulta ng MRI test ni Parks sa Medical City.

Pupuntiryahin ng Ginebra ang malaking 2-0 bentahe laban sa TNT ngayong alas-6 ng gabi sa Game Two ng 2020 PBA Philippine Cup Finals sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Itinakas ng Gin Kings ang 100-94 overtime win laban sa Tropang Giga sa Game One noong Linggo kung saan pipilay-pilay na nagposte si Parks ng 20 points, 5 steals, 4 rebounds at 4 assists.

Muling sasandalan ng TNT sina Jayson Castro, RR Pogoy, Troy Rosario, Simon Enciso at 6-foot-8 Poy Erram para maitabla sa 1-1 ang kanilang serye ng Ginebra.

Sa panalo ng Ginebra sa TNT sa kanilang series opener ay humakot si 6’8 Japeth Aguilar ng 25 points at 16 rebounds at nagtala si Pringle ng 24 points, 7 boards at 7 assists.

“This is just the first game. There’s going to be a lot of back and forth in terms of everything-sco-ring, adjustments - and seeing how fresh people can stay through this rigorous, really rigorous, seven-game series,” wika ni Gin Kings’ head coach Tim Cone.

Sinandigan din ni Cone si 14-year veteran guard LA Tenorio na may 12 points, 10 assists at 5 rebounds at wala ring nagawang turnover sa loob ng 43 minuto.

“At the end of the day, it’s all about defense. Wala nang iba. Simula noon pa sinasabi ko na ang opensa hindi problema,” ani Tropang Giga mentor Bong Ravena.

BARANGAY GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with