NBA training camps magsisimula na

(Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

NEW YORK — Para sa Los Angeles Lakers at Miami Heat, ito na ang pinakamailking offseason.

Para naman sa walong koponang hindi nakapag-laro sapul noong Marso, ito naman pinakamabahabang offseason.

Ngunit handa man sila o hindi ay kaagad magbubukas ang 2021 NBA season sa Disyembre 22.

Magsisimula ngayon ang mga training camps bagama’t magiging limitado ang mga on-court sessions sa mga individual workouts at para sa mga players na tatlong beses nagnegatibo sa kanilang mga coronavirus test results.

“I feel like a kid getting excited for the first day of school again,” sabi ni Atlanta Hawks guard Trae Young sa kanyang Twitter account.

Lahat ng players at coaches ay araw-araw na sasailalim sa coronavirus tests at ang isang positive test ang maaaring magbawal sa isang player o coach na makasama sa training camp at maging sa preseason.

Sa sobrang higpit na protocols ay ipinagbawal ng liga ang tradisyunal na team dinner sa bisperas ng training camp.

“We’re all going to have to be very nimble, first of all keeping guys safe and healthy,” wika ni Utah Jazz general ma-nager Justin Zanik.

“We’ll get an idea of the schedule, how travel is, how the pandemic affects us. No one in the NBA, other than a three-month bubble, has ever gone through what we’re about to go through.”

Magsisimula ang preseason sa Disyembre 11 kasunod ang regular season sa Disyembre 22.

Malalaman ang first half ng shortened 72-game regular season sa mga susunod na araw at mara-ming koponan ang hindi pa nakakapagdesisyon kung masisimulan nila ang season na may mga fans sa kanilang arenas.

Sinabi ng NBA champion Lakers na hindi sila magpapapasok ng mga fans sa kanilang gusali sa pagbubukas ng season kagaya ng Charlotte Hornets at Oklahoma City.

“This is going to be a challenging season for us,” ani Phoenix Suns general manager James Jones. “We’re going to do everything in our power to make sure that we try to stay COVID-free and try to stay healthy.”

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with