Taas noong uuwi ang Gilas sa Pinas

Chris Co (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Uuwi ang bagitong Gilas Pilipinas na nakataas ang noo matapos ang maningning na ratsada nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Manama, Bahrain.

Mission accomplished ika nga.

Engrandeng isinara ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito sa pamamagitan ng 93-69 pagwasak sa Thailand sa huling araw ng second window noong Lunes ng gabi.

Nagpasiklab ang Gomez de Liaño brothers na sila Javi at Juan na kumana ng pinagsamang walo sa 16 three-pointers ng Gilas Pilipinas.

Nagtala si Javi ng 19 puntos tampok ang apat na tres habang naglista naman si Juan ng 14 markers kabilang ang apat na three-pointers, kasama pa ang apat na rebounds at apat na assists.

Solido rin ang suporta ni Dwight Ramos na naglista ng 13 points, limang rebounds at dalawang assists habang nakakuha ng 12 puntos si Matt Nieto bago magtamo ng ankle sprain sa third quarter.

“The lead we had in the first game was big. We were concerned that we might take this game for granted. We really harped on executing the offense and defense,” ani Gilas head coach Jong Uichico.

Ang panalo ang nagdala sa Pilipinas sa solong liderato sa Group A tangan ang imakuladang 3-0 rekord.

Naiwan sa ikalawa ang South Korea (2-0) kabuntot ang Indonesia (1-2) at Thailand na lalo pang nalugmok sa ilalim hawak ang 0-4 baraha.

Nauna nang pinakain ng alikabot ng Gilas Pilipinas ang Thailand sa kanilang unang paghaharap noong Biyernes sa iskor na 93-61.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gilas Pilipinas para masikwat ang isa sa dalawang awtomatikong slots sa FIBA Asia Cup proper na idaraos sa huling bahagi ng 2021.

“All of them are in contention to have a spot in the third window in February. We will make that assessment come next year when we start again our training camp and we will make our decisions from there,” ani Uichico.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with