De los Santos 25 gold medals na

Chris Co (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maganda ang entrada ng Disyembre para kay Orencio James De Los Santos dahil nasikwat nito ang ika-25 gintong medalya sa Katana Intercontinental League e-Tournament kahapon.

Sa lahat ng online tournaments na napagwagian nito, ito ang pinakamatamis para kay De Los Santos dahil tinalo nito si Botond Nagy ng Hungary sa finals sa iskor na 24.9-24.5.

Ayon kay De Los Santos, si Nagy ay Guinness World Record holder at kasalukuyang No. 34 sa Olympic Ranking at No. 39 naman sa World Karate Federation Ranking.

“I would have to admit that this match mean a lot to me because my final opponent is Hungary’s best Senior Make Kata player. Even though I emerged victorious, it was a very tough fight and an honor to be facing a kata player of such caliber,” ani De Los Santos sa kaniyang post sa social media.

Kabilang sa mga tinalo ng 30-anyos Pinoy karateka sina Johnsen Cornelius ng Norway sa quarterfinals at Nejc Sternisa ng Slovenia sa semifinals.

Nakaentra pa si De Los Santos sa 2020 Venice Cup kung saan awtomatiko na itong nakapasok sa semifinals. at inaabangan na lamang niya ang mananalo sa pagitan nina Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa at Domont Matias Moreno ng Switzerland sa quarterfinals.

 

ORENCIO JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with