^

Ginebra tiwala kay LA

Russell Cadayona (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinasok ni rookie Arvin Tolentino ang isang layup na nagdala sa Barangay Ginebra sa overtime, habang tumipa si Aljon Mariano ng basket at isinalpak ni Japeth Aguilar ang isang slam dunk sa huling 31.1 segundo para selyuhan ang kanilang panalo.

Ang nasabing mga puntos ng Gin Kings ay nanggaling sa tatlong krusyal na assists ni veteran guard LA Tenorio.

“In LA we trust,” sabi ni Ginebra head coach Tim Cone sa kanyang ace playmaker matapos ang kanilang 100-94 overtime win sa TNT Tropang Giga sa Game One ng 2020 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo..

“He’s been with us for so long, and he’s used to that kind of situation when he has the ball in his hands.”

Tumapos ang 36-an-yos na point guard na may 2 points, 10 assists at 5 rebounds at wala ring nagawang turnover sa loob ng 43 minuto.

“Ang importante lang talaga is ‘yung huwag kang matakot na magkamali,” wika ni Tenorio, ang No. 4 overall pick ng San Miguel noong 2006 PBA Draft. “Luckily, nagawa ko naman nang tama.” 

ARVIN TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with