^

Super majority

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - December 1, 2020 - 12:00am

Magamot na nga kaya ang pagkakahati-hati at hidwaan sa Philippine sports matapos mabigyan ng bagong termino bilang POC president si Bambol Tolentino at kasama niyang nanalo sa eleksyon ang super majority ng kanyang grupo.

Galing sa mahabang panahon na matindi ang bakbakan sa POC dahil walang tamang bilang ang nakaupong president sa executive board.

Sa mga delicate issues, kailangan palagi ni POC president ang suporta ng general assembly upang maipatupad ang kanyang proposed measures.

Pero malamang na mawala na nga o mabawasan ang bangayan dahil sa near sweep win ng Tolentino ticket sa katatapos na POC elections.

Kasamang nanalo ni Tolentino sa kanyang grupo sina Al Panlilio (first vice president), Richard Gomez (2nd VP), Cynthia Carrion-Norton (treasurer), Chito Loyzaga (auditor) at sina Dr. Raul Canlas, Pearl Managuelod at Dave Carter bilang board members.

Tanging sina Steve Hontiveros (chairman) at Charlie Ho (board member) ang lumusot mula sa kabilang grupo.

Isa si dating POC president Ricky Vargas na kumpiyansa sa magandang direksyon na tatahakin ng Philippine sports sa pamumuno ng grupo ni Tolentino.

“President Bambol put together a Dream Team that shares the same values of leadership, transpa-rency and excellence. I have no doubt this will be the refresh that Philippine sports badly needs,” ani Vargas. “Reform is no longer just a pipe dream, it is reality within reach.”

Positibo rin ang grupo na ang mga nakaraang developments (kasama na ang SEAG overall championship) ay magsilbing momentum na maghahatid sa Team Phl sa pagsungkit ng first ever Olympic gold sa Tokyo Games... Sana nga!

BAMBOL TOLENTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with