^

PM Sports

Panalo ang stats ni Parks

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Panalo ang stats ni Parks
Ray Parks Jr.

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Nakatuon ang atensyon ni Ray Parks Jr. ng TNT Tropang Giga sa mas malaking misyon ng kanyang koponan higit pa sa indibidwal na para-ngal matapos masolo ang unahan ng statistical race papasok sa 2020 PBA Phi-lippine Cup Finals dito sa Clark, Pampanga bubble.

“We sacrificed for two months. We sacrificed not being with our families. We just wanted to make it into the finals and the job is not finished yet,” ani Parks na may average na 38.3 puntos sa likod ng 22.5 puntos, 8.1 rebounds, 3.1 assists at 1.3 steals.

Malaki ang tsansa ni Parks para sa makasaysa-yang Bubble MVP award lalo’t ang ibang nasa top five na sina Calvin Abueva (37.1), CJ Perez (35.7), dating lider na si Matthew Wright (35.6) at Christian Standhardinger (34.6) ay sibak na sa bubble.

Hindi nakapasok sa playoffs at maagang umuwi sina Perez ng Terrafirma at Standhardinger ng Northport habang kaaalis lang sa bubble nina Abueva at Wright ng Phoenix Super LPG na kasama ang Meralco squad bilang dalawang huling koponang nasibak sa semifinals.

Nakadepende pa sa napipintong PBA Board meeting ang pagbibigay ng season awards para sa ispesyal na 45th PBA Season na idinaos sa gitna ng pandemya sa loob ng bubble na isang conference lamang.

*ABUEVA puwede SA SEASON AWARD-- Bago lumisan ng bubble ay eksaktong naabot ni Calvin Abueva ang requirement na total games played upang ma-ging eligible sa anomang season awards.

Nakasalang si “The Beast” sa 12 mula sa 17 laro ng Phoenix sa bubble, swak sa batayan ng PBA na dapat makalaro ng 70% ng total games ng kanilang  koponan.

Hindi nakalaro si Abueva sa unang limang games ng Fuel Masters at nakabalik lang mula sa 16-month indefinite suspension noong Oktubre 26 kontra sa NLEX.

Lumakas ang laban ni Abueva matapos sumegunda kay Parks sa nahakot na 37.1 SPs sa likod ng kumpletong 15.4 puntos, 11.3 rebounds, 5.2 assists at 1.7 steals pagkatapos ng semis.

vuukle comment

RAY PARKS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with