^

PM Sports

Cayetano tiwala kay Tolentino

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinabi ni Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano noong Biyernes na kumpiyansa siyang mapapaunlad muli ng Philippine Olympic Committee (POC) ang sports sa bansa at matututukan ang mga Pilipinong atleta sa ilalim ng  bagong termino ng pamumuno ni Cavite Eight District Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

“Ang kanyang muling pagkapanalo bilang POC president ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng “vote of confidence” ng mga lider ng national sport associations sa isang progresibong lider na mas tutugon sa kanilang pa-ngangailangan,” wika ni Cayetano matapos ang POC elections  noong Biyernes kung saan nahalal sa ikalawang pagkakataon si Tolentino bilang pangulo ng organisasyon.

Pinuri ni Cayetano ang pagiging epektibo at “inspiring” na istilo ng pamumuno ni Tolentino na nakatulong umano upang maging isang ma-laking tagumpay ang 2019 SEA Games.

“Umaasa kaming ang pamunuan ng POC ay patuloy na bibigyan ng inspiras-yon at nararapat na suporta ang ating mga atleta lalo tuwing nasa kompetisyon,” ani Cayetano. “Inaasahan ko ring paiigtingin ng POC ang mga programa nito, at mananatiling nakatuon sa ating iisang mithiin – na ang sports ay maging isang nagniningning na inspirasyon para sa ating mga kabataan at maging daan tungo sa pagkakaisa ng buong bayan,” dagdag ni Cayetano.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with