Labanang Heneral Kalentong at Union Bell

Nilda Moreno (Pang-masa) - November 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magtatapat ang He-neral Kalentong at champion horse Union Bell sa 2020 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Stakes race ngayong araw Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Palaban din ang ibang kabayong kalahok sa  2,000 meter race tulad ng Sky Shot at Winner Bidder na malaki rin ang tsansang makasilat sa karera na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Misyon ng may-ari ng Heneral Kalentong na si Benjamin Abalos na sungkitin ang panalo upang maiukit ang kanyang kabayo sa history ng karera na naka-sweep ng Triple Crown series.

Nasilo ng Heneral Kalentong ang 1st at 2nd Leg ng TC at hindi naman nakasali ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse-of-the-Year Union Bell na pag-aari ni Elmer De Leon dahil nagkaroon ito ng injury sa kuko.

May premyong P1.8-M sa unang kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay ang Blazing Bullet, Lucky Savings at Cartierruo.

UNION BELL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with