Naaamoy na ni De los Santos ang pang-24

Chris Co (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakaporma na naman si Orencio James De Los Santos sa panibagong gintong medalya matapos pumasok sa finals ng men’s seniors individual kata sa Sportdata eTournament World Series.

Pinataob ng World No. 1 Pinoy karateka si World No. 4 Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa sa pamamagitan ng dikit na 24.4-24.1 desisyon para makapasok sa championship round.

Nakahirit ng bye si De Los Santos sa Round-of-32 bago payukuin sina Andrei Gabriel Nedelcu ng Romania sa round-of-16 (24.6-23.7) at Lukas Grimm ng Germany sa quarterfinals (24.4-23.2).

Makakatipan ni De Los Santos sa finals si World No. 3 Domont Matias Moreno ng Switzerland na nanaig naman kay Hugh Connolly ng Ireland sa hiwalay na semis match.

Puntirya ni De Los Santos na masungkit ang ika-24 gintong medalya sa online tournaments upang mapatatag ang kapit sa No. 1 spot sa world rankings.

Kasalukuyan itong may 11,920 puntos sa rankings — malayo sa 8,740 points ng No. 2 na si Eduardo Garcia ng Portugal, 5,775 ni Moreno at 5,470 ni Cerone Biagioni.

JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with