Abueva tutulong kay Pascual

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

SMART CLARK GIGA CTIY, Philippines — Pangako ni Calvin Abueva na mabisita ang matalik na kaibigang si Ronald Pascual pagkatapos ng 2020 Philippine Cup dito sa bubble matapos ang personal na problemang pinagdaanan nito simula nang mawala sa PBA noong 2018.

“Sabi ko sa kanya, after ko dito, magkikita kami. As a friend as a brother, makakuha naman siya ng konting advice kahit paano,” ani Abueva na napagtagumpayan ang sariling hamon mula sa 16-buwang indefinite suspension.

Ayon sa kuya ni Ronald na si Ronnel ay nasa krisis ngayon ang kapatid na naging dahilan ng pag-aalala ng mga dating teammates niya sa San Sebastian Golden Stags tulad nina Abueva, Ian Sangalang at Mike Miranda na tinaguriang “Pinatubo Trio” ng Baste na nagkampeon sa NCAA at PCCL  noon.

Nakausap na ni Abueva sa video call nitong linggo si Pascual habang nagkaroon na ng pagkakataon sina Sangalang at Miranda na mabisita siya matapos matanggal sa bubble ang Magnolia at NLEX, ayon sa pagkakasunod.

*SUSPINDIDO SI REF-- Suspendido muna ang isang referee na hindi napituhan ang foul sana ni John Pinto ng Meralco kay LA Tenorio ng Ginebra sa Game 4 ng kanilang 2020 Philippine Cup semi-finals, ayon kay Commissioner Willie Marcial.

Inamin ng PBA na nagkamali ang referee sa hindi pagpito ng foul sa huling 21.7 segundo na naging sentro ng kontrobersiya sa dikit na 83-80 panalo ng Bolts. Habang isinusulat din ang balitang ito ay ginaganap ang do-or-die Game 5 ng Ginebra at Meralco.  

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with