Gilas first timers tuwang-tuwa

Chris Co (Pang-masa) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lubos ang pasasalamat ng mga first timers sa Gilas Final 12 na sina Justine Baltazar, Javi Gomez de Liaño, Rey Suerte, Dave Ildefonso, Mike Nieto, Kemark Carino at Will Navarro para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na ginaganap sa Manama, Bahrain na masisilayan sa unang pagkakataon suot ang Gilas Pilipinas jersey sa seniors.

Makakasama ng pito ang beteranong sina Kobe Paras, Isaac Go, Matt Nieto, Dwight Ramos at Juan Gomez de Liaño.

Matagal nang pangarap ni Javi na makasama ang kanyang kapatid na si Juan sa Gilas seniors.

Madalas na magkasama sa pool ang dalawa simula pa noong nasa Gilas youth pa ang mga ito.

Subalit madalas ding hindi nakakapasok sa Final 12 si Javi kumpara sa kanyang mas nakababatang kapatid na “apple of the eye” ng mga coaches.

“I was always the last cut from under-16, 17, 18 then last February I also got cut. All the national team pools, I was always the last cut. Past five years, I just support Juan at home or sa social media,” wika ni Javi.

Kaya naman sasamantalahin ng magkapatid ang pagkakataong ito upang ilabas ang kanilang che-mistry sa loob ng court.

Handa si Javi kasama ang anim pang baguhan na patunayan na karapat-dapat sila sa kanilang puwesto ..

“I’m ready for this,” ani Javi.

Nilalaro ang Thailand-Philippines game habang sinusulat ang balitang ito.

Muling makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Thailand sa Lunes sa alas-9 ng gabi (Manila time).

FIBA GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with