2 lang ang matitira

Russell Cadayona (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang tapusin ang isang serye ang pinakamahirap na gawin, ayon kay two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone ng Barangay Ginebra.

Dalawang ‘sudden death’ games ang tatapos sa best-of-five semifinals wars na magdedetermina sa dalawang koponang magtutuos para sa best-of-seven championship series ng 2020 PBA Philippine Cup.

Lalabanan ng Ginebra ang Meralco ngayong alas-6:30 ng gabi habang sasagupain ng TNT Tropang Giga ang Phoenix sa alas-3:45 ng hapon sa deciding Game Five ng kani-kanilang semis duel sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Pinuwersa ng Bolts ang Gin Kings sa ‘do-or-die’ match matapos itakas ang 83-80 panalo sa Game Four para itabla sa 2-2 ang kanilang serye.

“Of course, it’s going to be a tough task against Ginebra to beat them in Game Five, but at the same time, we just have to go back, and watch the game to figure out what it’s gonna take to get the job done,” ani Meralco mentor Norman Black.

Hangad ng Gin Kings ang kanilang pang-27 PBA Finals appearance, habang ang ikaapat na championship stint ang asam ng Bolts.

Sa unang laro, puntirya ng Tropang Giga ang kanilang ika-20 PBA Finals stint samantalang gustong gumawa ng kasaysayan ang Fuel Masters sa kanilang franchise history.

“There’s nothing to celebrate eh,” ani TNT coach Bong Ravena. “We have to be ready for Phoenix also. We respect them so much, and we know they can play.”

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with