^

Classic finish

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - November 27, 2020 - 12:00am

TNT Tropang Giga versus Barangay Ginebra, Meralco versus Phoenix Super LPG, TNT against Meralco at Ginebra opposite Phoenix.

Kahit alin, walang dudang katakam-takam na match-up ang kauuwian ng PBA Philippine Cup finals.

Malalaman ang huling dalawang koponan na matitira sa PBA bubble play pagkatapos ng double knockout card sa  AUF Sports Center sa Angeles, Pampanga ngayong gabi.

Parehong nais mapawi ang gutom sa all-Filipino crown ng TNT at Ginebra samantalang breakthrough title ang mithiin ng Meralco at Phoenix.

Sino ang malakas pa ang kikig papasok sa ikatlong buwan ng bubble competition? Sino ang mas matatag ang determinasyon sa paghabol ng bubble crown? Sino ang kakapit sa laban hanggang huli?

Ito ang mga katanungan sa twin rubber na magsasara ng Final Four rumble.

Ito rin ang biggest determining factor sa MVP ambitions nina Bobby Ray Parks, Matthew Wright at Stanley Pringle at Rookie of the Year bids nina Bobby Ray Parks at Arvin Tolentino.

Isama na rin ang desisyon sa Coach of the Year race sa pagitan nina Tim Cone, Norman Black, Topex Robinson at Bong Ravena/Mark Dickel.

Kung hindi matatapilok ang bubble play at marating ang finish line, nagbabadya ang runaway win kay Commissioner Willie Marcial para sa Executive of the Year.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with