Bagitong Gilas squad palaban

Bagitong Gilas squad palaban

Chris Co (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagito man ang lineup ngunit inaasahang isang mabagsik at beteranong Gilas Pilipinas ang masisilayan sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga bukas sa Manama, Bahrain.

Sa nakalipas na mga taon, ito ang pinakabatang lineup ng Gilas Pilipinas sa isang Asian-level tournament.

Ngunit hindi ito basta-bastang Gilas Pilipinas dahil gigil ang bawat miyembro nito na patunayan ang kanilang bangis.

Sa 14-man lineup, sina Isaac Go, Matt Nieto, Juan Gomez de Liano, Kobe Paras at Dwight Ramos ang pinakabete-rano sa lahat dahil dati na silang naging bahagi ng Gilas Pilipinas.

Kaya naman ibinahagi ng apat ang magandang karanasang kanilang natutunan sa Gilas Pilipinas sa kanilang mga bagong katropa.

“We’re just passing on the knowledge that the veterans that we had, the wise words that the veterans from the first window gave us. We’re just forwarding it to them, and hopefully continuing the cycle in improving and making sure everybody is ready,” ani Go sa isang press conference na inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas katuwang ang Smart.

Makakasama ng limang beterano ang baguhang sina Mike Nieto, Javi Gomez de Liano, Rey Suerte, Jaydee Tungcab, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana at Kemark Carino.

Baguhan sa international competition ngunit malalim ang kanilang karanasang natutunan sa kani-kanyang college teams na inaasahang dala ng bawat isa sa qualifiers.

“In terms of getting the team, the guys are ready for international play, I think we’ve been sharing them words of wisdom on how it really is,” dagdag pa ni Go.

Masusubukan ang tikas ng bagitong Gilas sa pagsabak nito kontra sa Thailand bukas (Nobyembre 27) at sa Lunes (Nob. 30) sa Khalifa Sport City.

Sa isinumiteng lineup ng Thailand, tanging 10 manlalaro lamang ang masisilayan sa aksiyon.

 

GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with