Pang-5 swab test sa PBA bubble

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 26, 2020 - 12:00am

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Sumailalim ulit sa mandatory swab test ang natitirang delegasyon kahapon papasok sa huling bahagi ng dalawang-buwang 2020 PBA Philippine Cup dito.

Ito na ang ikalimang cycle ng swab testing dito sa bubble alinsunod sa protocols ng PBA, Clark Development Corporation at Department of Health simula nang dumating ang 350-strong delegation noong Setyembre 28.

Mula sa malaking de-legado, lagpas 100-tao na lamang mula sa natitirang koponan na TNT Tropang Giga, Meralco, Ginebra at Phoenix ang sumailalim sa testing sa huling tatlong linggo ng makasaysayang 45th PBA Season.

Kasama rin sa testing ang table officials, refe-rees, PBA Office staff at media delegation papalapit sa dulo ng umaatikabong Final Four.

May isa pang testing na inaasahan para sa matitirang dalawang koponan sa nalalapit na finals bago ang pagtatapos ng torneo at pag-alis buong PBA delegation sa ikalawang linggo ng Disyembre.

Bukod sa ilang false positive cases noong unang buwan, naging COVID-19-free ang PBA bubble at inaasahang matatapos ang torneo na walang aberya para sa maging  matagum­pay ang pagdaraos ng season.

 

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with