^

PM Sports

Gilas Pilipinas nais magbigay ng pag-asa

Chris Co - Pang-masa

Lalaban para sa kababayang nasalanta ng bagyo

MANILA, Philippines — Handa ang Gilas Pilipinas na gawin ang lahat para masikwat ang dalawang panalo sa FIBA Asia Cup Qualifiers at mabigyan ng kasiyahan ang mga Pilipinong dumaranas ng matinding pagsubok dahil sa pandemya at mga bagyong tumama sa Pilipinas.

Hangad ng Gilas Pilipinas na magbigay ng liwanag at pag-asa sa mga kababayan nitong nagdurusa dahil sa pasakit na dulot ng bagyong Rolly at Ulysses.

Marami ang nawalan ng mga tirahan at kabuhayan habang ang iba naman ay nawalan ng mga mahal sa buhay.

Kaya naman nais ng Gilas Pilipinas na ihatid sa tahanan ng mga Pilipino ang tagumpay nito sa kanilang laban kontra sa Thailand sa Nobyembre 27 at Nobyembre 30.

“We want to do this for our countrymen. When they watch us and we win, there’s a joy that they feel. When we win, it’s not just us who win, it’s the whole country,” ani Gilas Pilipinas member Kobe Paras sa programang SportsPage sa One Sports.

Kilala ang mga Pilipino sa buong mundo bilang No. 1 supporters pagdating sa basketball sa dahil isa ito sa mga na­kagawian nang libangan ng mga Pinoy.

Mapa-aktuwal na laro para sa mga bata o matanda o sa pamamagitan ng simpleng panonood sa kanilang mga tahanan — bahagi na ang basketball sa kultura ng Pilipinas.

vuukle comment

FIBA

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with