^

PM Sports

Gilas walang pahinga

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang pahi-pahinga para sa Gilas Pilipinas sa misyong maging todo handa sa dalawang krusyal na laban kontra sa Thailand sa pagpapatuloy ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa loob ng bubble sa Manama City sa Bahrain.

Bagama’t kararating lang sa Middle East country kahapon, inaasahang sasalang na agad sa ensayo ang Nationals upang ma-finalize ang preparasyon bago ang laban sa Thais sa Nobyembre 27 at 30 sa Khalifa Sports City Stadium.

Sampung oras ang biyahe ng Gilas mula sa Manila sakay ang Gulf Air Flight GF-155 at ligtas na lumapag sa Bahrain International Airport at tumutuloy ngayon sa Gulf Court Hotel matapos.

Kahit umiinda ng shoulder injury, sumama pa rin sa biyahe si Gilas draftee sa Bahrain trip ng koponan upang suportahan ang kanyang mga kakampi at patuloy na mapag-aralan ang sisteme ng Nationals sa mga susunod pang international tournaments.

Sinamahan niya ang iba pang top PBA rookies at Gilas cadets na sina Isaac Go, Rey Suerte, Mike at Matt Nieto sa ilalim ng gabay nina head coach Jong Uichico at Gilas program director Tab Baldwin.

Aalalay sa kanila sina Dave Ildefonso, Juan at Javi Gomez De Liano, Kemark Carino, Calvin Oftana, Jaydeen Tungcab, Dwight Ramos, Will Navarro, Justine Baltazar at Kobe Paras.

Tanging si Ivorian big man Ange Kouame lamang ang hindi nakasama sa 16-man pool ng Gilas dahil nakabinbin pa sa kongreso ang kanyang naturalization.

Sasandal ang Nationals sa maluwag na two-game schedule ngayong window kontra sa Thailand na lalaro sa tatlong laban sa apat na araw.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with