PSC magbibigay ng tulong pinansiyal sa mga atletang apektado ng bagyong Ulysses
MANILA, Philippines — Hindi na dapat mag-alala ang mga miyembro ng Team Philippines na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong ‘Ulysses’.
Inihahanda na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang financial assistance para kaagad matulungan ang mga national athletes at coaches.
“It might not be substantial but we will do our best we can to help them,” wika ni PSC chairman William Butch’ Ramirez na nakipag-usap sa mga National Sports Associations (NSAs) para matukoy ang mga atleta at coaches na biktima ng ‘Ulysses’.
Ang mga ito ay ang 57 national athletes at coaches mula sa siyam na NSAs na nawalan ng tahanan.
“We will have this rolled out the soonest. We are just waiting for the final report from the NSA affairs so we can finalize everything,” sabi ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.
Kabilang sa nasabing mga national athletes at coaches na naapektuhan ng pagragasa ng ‘Ulysses’ ay mula sa Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation na ninirahan sa floodways sa Rizal.
- Latest