^

Bubble MVP

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

Ilang kembot na lang, finals na ng PBA Philippine Cup bubble play.

Maaari nang madetermina  kung sino ang magsasagupa sa best-of-seven title showdown pagkatapos ng kritikal na sked sa Miyerkules.

Pinakamatagal nang paghihintay ang posibleng rubber o double rubber sa Biyernes.

Konti pang tiyaga at makakaraos na ang PBA sa kanilang return play sa gitna ng pandemya.

Ang maliit na isyu na nakabinbin eh ano ang award na ibibigay sa pinakamagaling na player ng torneo -- Most Valuable Player ba o Best Player of the Conference.

Hindi kumbinsido si PBA commissioner Willie Marcial na igawad ang MVP plum dahil isang tournament lang ang pinaglabanan sa PBA Season 45.

Balak niyang isangguni ang isyu sa parating na PBA board meeting.

Ang sigurado, ihahatid nila ang Leo Awards bago ang simula ng Season 46.

Pero nakabitin pa rin kung MVP ba o BPC winner ang magbibida sa annual season-end awards?

Kung ako ang tatanungin, MVP pa rin.

Hindi Season 45 MVP, kundi Bubble Play MVP.

MVP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with