Unahan sa 2-1
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos makatabla sa Game Two ay pupuntiryahin naman ng Phoenix na maagaw ang krusyal na 2-1 bentahe sa kanilang semifinals series ng TNT Tropang Giga ngunit hindi ito magiging madali, ayon kay coach Topex Robinson.

“Hopefully, we can get Game 3,” wika ni Robinson. “But, again, we have to remind ourselves to always be hungry and always make sure that we are grounded and it will take all of us to beat again a team like TNT.”

Magtutuos ang Fuel Masters at Tropang Giga ngayong alas-4:00 ng hapon sa Game Three ng kanilang best-of-five semifinals series sa 2020 PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Bumangon ang Phoenix mula sa 92-95 pagkatalo sa Game One para balikan ang TNT sa Game Two, 110-103, tampok ang 20 points, 15 rebounds, 4 assists at 2 steals ni Calvin Abueva para itabla sa 1-1 ang kanilang serye.

Hindi gaanong ginamit ni Robinson si main man Matthew Wright dahil sa iniinda nitong sprained right ankle na kanyang nalasap sa first period ng Game One.

Sa ikalawang laro sa alas-6:30 ng gabi ay pag-aagawan din ng Barangay Ginebra at Meralco ang 2-1 bentahe sa kanilang semis duel.

Matapos kunin ng Gin Kings ang Game One, 96-79, ay niresbakan naman sila ng Bolts sa Game Two, 95-77, para itabla sa 1-1 ang kanilang serye.

“The only thing I got to say is that they beat us black and blue,” wika ni Ginebra mentor Tim Cone sa Meralco. “They attacked the rim all night and we didn’t have an answer for it defensively.”

Gamit ang kanilang depensa ay nilimitahan ng Bolts ang Gin Kings sa 27 points sa kabuuan ng se-cond half matapos kunin ng tropa ni Cone ang 50-42 halftime lead.

“We made a few adjustments and the guys executed very well. We had a lot more balance in this game, with a lot of guys scoring. That gave us a big lift,” sabi ni Meralco coach Norman Black.

TNT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with