Howard sa 76ers na; Gallinari sa Atlanta
Dwight Howard
Howard sa 76ers na; Gallinari sa Atlanta
(Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

EL SEGUNDO, Calif. — Matapos matulungan ang Los Angeles Lakers sa paghahari sa nakaraang NBA season ay lumipat si veteran center Dwight Howard sa Philadelphia 76ers.

Sinabi ng kanyang agent na si Charles Briscoe na pipirma ang 34-anyos na si Howard sa isang one-year deal na nagkakahalaga ng vete-rans minimum exception na $2.6 milyon.

Sa pag-alis ni Howard, hinugot naman ng Lakers si reigning Sixth Man of the Year  Montrezl Harrell  mula sa Clippers.

Pumayag si Harrell, naglaro ng tatlong seasons para sa Clippers, sa isang two-year deal sa Lakers.

Samantala, hihintayin naman ni Anthony Davis ang magiging alok sa kanya ng Lakers, kasama  ang three-year, $106 million contract na may kasamang player option para sa 2022-23 season.

Hindi ginamit ni Davis ang option sa kanyang final year sa Lakers para maging isang free agent.

Nakatakda ring pu-mirma si dating Oklahoma City Thunder forward Danilo Gallinari sa isang three-year, $61.5 million contract sa Hawks.

Mananatili sa Miami  sina guard  Goran Dragic at big man Meyers Leonard.

DWIGHT HOWARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with