‘Di kinaya ng Manila Chooks TM
Chris Co (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maagang namaalam sa kontensiyon ang Manila Chooks TM matapos lumasap ng dalawang sunod na kabiguan sa group stage ng FIBA 3x3 World Tour 2020 - Doha Masters sa Al Gharafa Sports Complex sa Doha, Qatar.

Nagawang pahirapan ng Manila Chooks TM ang top seed Liman ng Serbia ngunit lumasap ng 15-22 kabiguan sa kanilang unang pagsalang at hindi rin pinalad ang No. 8 seed Pinoy squad sa kamay ng Lusail ng host Qatar nang lagukin nito ang 14-19 desisyon para tuluyang mapatalsik sa torneo.

Umusad sa knockout quarterfinal stage ang Liman na tinapos ang eliminasyon bitbit ang malinis na 2-0 marka gayundin ang Lusail na nagtamo naman ng 1-1 kartada.

 

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with