NCAA hanggang 2026 sa GMA

Chris Co (Pang-masa) - November 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahanap na ng bagong broadcast partner ang NCAA sa ngalan ng GMA-7 na magiging tahanan ng liga simula sa taong ito hanggang sa 2026.

Isasahimpapawid ang basketball, volleyball, swimming at  athletics sa GMA News TV habang ang mga importanteng laro gaya ng men’s basketball finals ay ipapalabas sa GMA-7.

“We are excited that GMA Network is the new home of the NCAA,” ani GMA Chairman/Chief Exe-cutive Officer Felipe Gozon.

Nagpasalamat ang pamunuan ng NCAA sa magandang planong inilatag ng GMA-7 para sa susunod na lima’t kalahating taon ng liga sa naturang network.

“The NCAA, the Philippines’ first and longest-running collegiate athletic league is most happy and honored to enter into partnership with GMA Network Inc., the Philippines No.1 TV network,” ani Letran official Fr. Rector Clarence Victor Marquez, OP, na siyang NCAA Season 96 Policy Board President.

Dahil dito, posibleng magsalpukan ang UAAP at NCAA sa telebisyon dahil maaaring magsabay ang playdates ng dalawang collegiate leagues.

Sa TV5 ipalalabas ang mga laro sa UAAP.

Gaya ng UAAP, nagdesisyon ang NCAA na humanap ng bagong broadcast partner matapos mabigong makakuha ng bagong prangkisa ang dating boadcast partner nitong ABS-CBN noong Hulyo.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with