_pang-masa
^

PM Sports

2-0 asam ng Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Positibo ang naging epekto ng four-day break sa Barangay Ginebra bago ang best-of-five semifinals series nila ng Meralco.

“We were able to rest and we were able to practice. Obviously it was an advantage for us. I’m glad our guys took advantage of it,” sabi ni head coach Tim Cone matapos ang 96-79 pagpapatumba ng Gin Kings sa Bolts sa Game One noong Miyerkules.

Pupuntiryahin ng Ginebra na maitayo ang 2-0 bentahe sa kanilang bakbakan ng Meralco sa Game Two ngayong alas-3:45 ng hapon kasunod ang salpukan ng TNT Tropang Giga at Phoenix sa alas-6:30 ng gabi sa 2020 PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Anim na Gin Kings players ang tumapos ng double-figures sa pangu-nguna ni guard Stanley Pringle na nagtala ng 19 points, 7 rebounds, 2 assists at 2 steals habang tumipa si Allein Maliksi ng 24 markers sa panig ng Bolts.

Maagang nakapagpa-hinga ang Ginebra matapos sibakin ang Rain or Shine sa quarterfinals, samantalang kinailangan ng dalawang panalo ng Meralco para patalsikin ang five-time champion  San Miguel.

Samantala, hangad rin ng TNT na maitayo ang 2-0 bentahe laban sa Phoenix.

Humataw si veteran guard Jayson Castro ng 20 points para akayin ang Tropang Giga sa 95-92 paglusot sa Fuel Masters sa Game One kung saan nagkaroon si top scorer Matthew Wright ng sprained right ankle sa first period.

“We have to be consistent on our defense because for sure they’re gonna come back any time,” wika ni TNT mentor Bong Ravena. “Especially in Game 2, we have to be ready also because babalik iyan, eh. Hindi naman magpapabaya Phoenix. We know that.”

Inaasahang lalaro si Wright, may averages na 20.0 points, 4.3 rebounds at 7.3 assists, para maitabla ang Fuel Masters sa Tropang Giga.

“He’ll be ready. He’s gonna be OK,” sabi ni Fuel Masters’ coach Topex Robinson. “But whether we have Matt or not, we’re gonna compete.”

 

BARANGAY GINEBRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with