^

TnT-Phoenix: Mabigat na salpukan

POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - November 20, 2020 - 12:00am

Kinapos pero naipakita ng Phoenix Super LPG na malalim, matibay at matatag ang kanilang lineup na inilalaban sa hangaring marating ang PBA Philippine Cup finals.

Kahit na nga nababad na lang sa upuan si Matthew Wright dahil sa ankle sprain eh hindi basta-basta tumupi ang mga Fuel Masters.

Kinailangan ni Jayson Castro na mag-take charge sa endgame upang isalba ang 95-92 panalo para sa TNT sa Game One ng best-of-five semifinals.

Malamang na game-time decision ang kalagayan ni Wright, pero makalaro man o hindi, inaasahang dikdikan ang TNT-Phoenix faceoff hanggang sa katapusan ng serye.

Eh kasi kahit natalo sa Game One, bumalik ang Fuel Masters sa kanilang Clark quarters na buo ang kumpiyansa dahil sa labang naibigay nila sa absence ni Wright.

Paano kung hindi nawala ang kanilang pambato? Paano kung makabalik si Wright sa Game Two?

Ito ay mga isipang magpapatatag pa rin ng dibdib ng mga bata ni coach Topex Robinson.

Nang mawala ang mga inaasahang bagay kay Wright, marami ang nag-step forward at nag-deliver sa pangunguna nina RJ Jazul, Simon Perkins, Calvin Abueva, Alex Mallari at RR Garcia na lahat ay tumapos na may double-digit outputs. Limitado si Justin Chua sa three points pero nag-ambag ng 13 rebounds.

Maaaring iba ang istorya kung hindi sa maagang mga walang kuwentang foul ni Abueva.

Dahil don, na-limit sa 21 minutes ang kanyang playing time.

Sa pagbabalik sa kanilang war room, inaasahan ang mas interesanteng salpukan sa Game Two.

 

PHOENIX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with