^
Spikerâs Turf gustong pausarin ni Valdez
Alyssa Valdez

Spiker’s Turf gustong pausarin ni Valdez

Nilda Moreno (Pang-masa) - November 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod sa pagiging star player ng Creamline, si Alyssa Valdez din ang presidente ng Spikers’ Turf at may mga bagay siyang gustong gawin para sa ikabubuti ng kanyang liga.

Matagal nang tengga ang mga volleyball players dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic kaya  plano ng dating Queen Eagle na si Valdez na maibalik ang aksyon sa Spikers’ Turf upang makalaro na uli ang mga kalalakihan at maging kondisyon para sa Philippine men’s volleyball team.

Pamumunuan din ng 27-gulang na si Valdez ang Creamline hangad ang kanilang pangatlong sunod na Open Conference title sa pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) ng unang professional tournament sa susunod na taon.

Pero kailangan ding isama sa misyon ni Valdez ang Spikers’ Turf kaya nais niyang maging pro league rin ito upang magtuluy-tuloy ang volleyball career ng mga kalalakihan pagkatapos nilang maglaro sa kolehiyo.

“Looking forward also to making the tournament as a pro league. We’re praying and hoping for that.” saad ni Valdez na kinakausap na ang mga team owners sa planong gawing pro ang Spikers’ Turf.

Aminado si Valdez na marami pa siyang dapat matutunan sa pagpapatakbo ng kanyang liga.

“They are also helping me with Spikers’ Turf. Actually, they’re the ones naman na talagang nagga-guide sa’kin. So, as of the moment, I am just listening to them and learning all the things I have to learn.” patungkol ni Valdez kina PVL president Ricky Palou, Eleanor Navarro, Rhea Navarro, Mozzy Ravena at PVL League Commissioner Tony Boy Liao.

ALYSSA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with