_pang-masa
^

Mga karerista nag-aalburoto

Nilda Moreno (Pang-masa) - November 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa linggo pa ang karera pero nag-aalburoto na ang mga karerista sa Facebook dahil sa patakbo ng Philippine Racing Club Inc. na muling gagamitin sa tayaan ang Mobille Off-Track Betting, (MOTB) at hindi ang nakaugalian nang OTB.

“Yun pa rin ang gagamitin, (MOTB) eh hindi pa nga yata nila naaayos ‘yun bakit kasi hindi OTB muna ang gamitin at saka na nila gamitin ‘yan kapag maayos na,” hayag ni Rene De Vera sa FB group ng karera.

Ayon sa mga karerista, may magandang stake race na ilalarga sa Linggo at sayang lang daw kasi baka hindi kumita sa takilya dahil usap-usapan na magbo- boycott ang ibang karerista dahil sa naranasan nila sa huling karera sa Santa Ana Park kung saan maraming winning tickets ang hindi nabayaran sa mismong araw ng karera dahil sa palpak na MOTB.

RACE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with