^

Ginebra, San Miguel Beer target ang semis

Russell Cadayona (Pang-masa) - November 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang panalo lamang ang kailangan ng No. 1 Barangay Ginebra at No. 4 San Miguel Beer para makaabante agad sa best-of-five semifinals series.

Lalabanan ng Gin Kings ang No. 8 Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-6:45 ng gabi habang makikipagtuos ang Beermen sa No. 5 Meralco Bolts sa alas-4 ng hapon sa quarterfinal round ng 2020 PBA Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Sa quarterfinals ay hahawak ang top four teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

Bukas ay maghaharap ang No. 2 Phoenix at No. 7 Magnolia sa alas-6:45 ng gabi at ang No. 3 TNT Tropang Giga laban sa No. 6 Alaska sa alas-4 ng hapon.

Nanggaling ang Ginebra sa 102-80 pagmasaker sa sibak nang Terrafirma noong Lunes matapos ang sinasabing ‘Sagip Kapamilya’ game sa kanilang 66-81 pagyukod sa sister team na San Miguel noong Linggo.

“We are the number one seed. We are where we wanted to be – go into the playoffs healthy and fresh and we have a shot at it,” sabi ni two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa kanyang Gin Kings.

Nahulog naman ang Elasto Painters sa No. 8 nang yumukod sa Fuel Masters, 88-90 noong Miyerkules sa huling araw ng eliminasyon. Nauna nang tinalo ng Rain or Shine ang Ginebra, 85-82 noong Oktubre 27.

Samantala, kumpiyansa naman ang Meralco sa kanilang paghaharap ng San Miguel, tumalo sa kanila, 89-82 noong Oktubre 28.

“You have to win two games to make it to the semis, that’s what it comes down to,” sabi ni Bolts’ mentor Norman Black sa kanilang pagbangga sa Beermen.

SAN MIGUEL BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with