^

PM Sports

PBA games lalarga na uli

John Bryan Ulanday - Pang-masa

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Tuloy ang laban sa PBA Bubble.

Matapos ang pansamantalang tigil-aksyon, lalarga na ulit ang 2020 Philippine Cup restart simula sa Martes sa ilalim ng dagdag na protocols mula sa Inter-Agency Task Force at Department of Health (DoH).

Puwede na ring magpractice ang 12 PBA teams sa SMART 5G–powered Angeles University Foundation Arena simula ngayon.

Bagong schedule na ang lalaruin ng mga koponan dahil sa mga nakanselang laban mula noong Biyernes hanggang Lunes.

Siyam na laro ang nasuspinde sa four-day break ng PBA dagdag pa ang tatlong laro tampok ang Blackwater-Rain or Shine, Blackwater-Magnolia at TNT-Northport games  no-ong nakaraang linggo bunga ng false positive cases.

Isang referee at player ng Blackwater ang nadale ng false positive cases at kasulukuyan pang tinatapos ang quarantine sa Athletes’ Village sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Bagama’t negatibo na sa antigen at RT-PCR confirmatory tests, ang mga naturang insidente ang dahilan para paigtingin ng PBA, Clark Development Corporation, IATF at DOH ang mga bubble protocols.

Ginugol nila ang pan-samantalang break upang plantsahin ang mga dagdag na protocols gaya ng pagkakaroon ng independent marshall upang ipatupad ang mga batas at paglalagay ng quarantine facility sa Clark.

“We would like to rei-terate that the PBA bubble has not been breached but we must always strengthen our protocols in consultation with the IATF and NTF to ensure the safety of everyone in the bubble,” ayon sa statement ng PBA.

*GUPITAN NG BU-HOK SA PBA BUBBLE-- Mapapalaban din ang players ngayong araw sa gupitan dahil sa unang pagkakataon sa loob ng lagpas isang buwang pagkakakulong sa bubble, magkakaroon ng tsansa ang 350-strong delegation na makapag-pagupit ng buhok sa PBA Hair Cut by Nice Guys Barbershop ngayon sa pool side.

Ilan sa mga nagpa-lista na ay sina Scottie Thompson at LA Tenorio ng Ginebra, Kevin Alas at Kiefer Ravena ng NLEX gayundin ang coaches na sina Richard Del Rosario ng Gin Kings, Topex Robinson at Jamike Jarin ng Phoenix. Hindi rin papahuli ang mga rookies na sina Kib Montalbo ng TNT, Adrian Wong at Vince Tolentino ng Rain or Shine at iba pa.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with