^

PM Sports

JB Guce, Heneral Kalentong gustong makadalawa

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang ibang nasa kukote ni star jockey Jessie Guce kundi ang ipanalo ang sakay na Heneral Kalentong sa magaganap na 2020 PHILRACOM 2nd Leg Triple Crown Stakes race ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nais din ni  former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of -the-Year awardee Guce na maukit sa history ng karera ang kanyang pangalan na naka-sweep ng Triple Crown.

Ginabayan ni class A rider Guce ang Heneral Kalentong nang manalo sa 1st Leg ng Triple Crown at kailangan nilang manalo upang mamuro sa inaasam na sweep ng TC.

Subalit tiyak na mapapalaban ang Heneral Kalentong sa lima pang kalahok sa event na may distansyang 1,800 meter.

Ito’y dahil nakalaan ang P1.8M prem-yo para sa mananalong kabayo habang kukubrahin ng second placer ang P675,000.

Ang ibang kalahok sa karerang inis-ponsoran ng Philippine Racing Commission ay ang  Prime Time Magic, Runway, Tifosi, Cartierruo at  Four Strong Wind.

Makokopo ng tersero puwesto ang P375,000 samantalang P150,000 naman ang sisikwatin ng fourth placer.

Ayon sa mga tiyempista, mabibigyan ng magandang hamon ang Heneral Kalentong kaya hindi ito pinatok sa mga karera tipsters ng programa ng karera.

vuukle comment

PHILRACOM COMMISSIONER’S CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with