^

PM Sports

PBA games tigil muna

John Bryan Ulanday - Pang-masa

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Tigil muna ang aksyon dito sa bubble sa ikatlong linggo ng 2020 PBA Philippine Cup restart.

Inanunsyo ng PBA ang pansamantalang pagsuspinde ng mga laro simula kahapon habang hinihintay ang abiso ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Technical Working Group at Department of Health (DOH).

“In compliance with the recommendation of IATF and DOH Advisory Group of Experts and to ensure the integrity and safety of the PBA Bubble, the league is postponing the games starting yesterday until the new protocols proposed by the IATF and DOH are out in place,” ayon sa statement ng liga.

Hindi binanggit ng PBA kung hanggang kailan postponed ang mga laro dahil depende ito sa IATF para sa inaasahang mas mahigpit na protocols.

Bunga ito ng dalawang false positive cases na bumulabog sa 350-strong delegation noong nakaraang linggo.

Nagsimula ito sa isang referee noong Miyerkules na nasundan ng parehong kaso sangkot ang isang Blackwater player.

Pareho na silang nagnegatibo sa antigen at RT-PCR confirmatory tests subalit nananatiling naka-quarantine sa Capas, Tarlac dahil nakalabas na sa bubble.

Dahil dito, dalawang games ng Elite kontra sa Rain or Shine at Magnolia  gayundin ang sagupaang TNT Tropang Giga at Northport ang nauna nang napostpone.

Lalong dumami ang postponed games kasama ang pagkakakansela ng Batang Pier-Hotshots at San Miguel-Barangay Ginebra games na naka-iskedyul kahapon.

Nakatakdang matapos sana ang All-Filipino Conference sa Disyembre 18 subalit inaasahang mauurong pa ito sa nakapilang mga suspended games.

*TEAM PRACTICES KANSELADO RIN--Maging ang mga ensayo ng 12 PBA teams sa SMART 5G – powered Angeles University Foundation Arena ay kanselado rin muna.

Ngunit pinapayagan pa rin ang mga aktibidades sa loob ng Quest Hotel dito sa Mimosa Leisure Estate tulad ng swimming, gym workouts, billiards, jogging, running at walking subalit sa mahigpit na protocols.

*RESULTA NG IKATLONG ROUND NG MADATORY SWAB TEST AABANGAN-- Kaabang-abang ang resulta ng ikatlong round ng mandatory swab testing ng 12 PBA teams matapos ma-swab ang huling dalawang teams na Alaska at Blackwater kahapon.

Nauna ang Magnolia, Phoenix, TNT Tropang Giga, Terrafirma at Meralco noong Myerkules kasunod ang NLEX, Rain or Shine, Northport, Ginebra at San Miguel kamakalawa.

Kada 14 araw ang RT-PCR tests sa buong dele-gasyon ng PBA dito sa bubble bilang bahagi ng mahigpit na protocols ng liga kasama ang Clark Development Corporation at Inter-Agency Task Force.  

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with