Brondial kakausapin uli ni Comm. Marcial
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Ipapatawag uli ni PBA Commissioner Willie Marcial si Alaska big man Rodney Brondial matapos mapatalsik sa larong ipinanalo ng Aces, 99-96 kontra sa Terrafirma sa umiinit na 2020 PBA Philippine Cup restart dito.

Tumanggap ng dalawang technical fouls si Brondial sa naturang laban sahog pa ang muntikang away kontra kina Jeepy Faundo at Juami Tiongson.

Nauna nang napatawag ni Marcial si Brondial dahil sa flagrant foul penalty 1 infraction noong Oktubre 11 kontra sa TNT.

Kasama rin sa napatawag noon sina Poy Erram at JR Quiñahan.

*IKA-3 MANDATORY TESTING NG PBA TEAMS-- Halos tapos na ang ikatlong cycle ng mandatory testing ng 12 koponan dito sa bubble.

Sumailalim na rin kahapon sa ikatlong round ng swab testing ang NLEX, Ginebra, San Miguel, Northport at Rain or Shine matapos ang Magnolia, Phoenix, TNT Tropang Giga, Meralco at Terrafirma kamakalawa bilang mga naunang koponan na pumasok sa bubble noon pang Setyembre 28.

Ang Blackwater at Alaska ay naka-iskedyul nga-yon sa kada-14 araw na testing protocol ng PBA at Clark Development Corporation sa buong PBA de-legation sa loob ng bubble dito.

Nahuli sa ikatlong cycle ang Elite at Aces dahil katatapos lang ng kanilang re-test noong nakaraang linggo bu-nga ng exposure sa false positive case na referee.

Naunang nagpositibo ang PBA game official kagaya ng isang Blackwater player subalit parehong nag-negatibo sa antigen at RT-PCR confirmatory tests.

* PHIL. CUP TROPHY NAKA-DISPLAY-- May dagdag na inspirasyon para sa 12 PBA teams matapos i-display ang prestihiyosong Phi-lippine Cup trophy kahapon sa lobby ng Quest Hotel dito.

Pag-alis at pagdating sa hotel ay makikita ng mga teams ang tropeo na magiging inspirasyon sa ginagawa nilang sakripis-yo na malayo sa pamilya hanggang Disyembre.

“It’s a big thing for u. That’s what we came here for. That’s our goal,” ani TNT coach Bong Ravena sa misyon ng koponang mawakasan ang 5-year title drought.

WILLIE MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with