16-teams target ng PSL sa Beach Volley Challenge Cup
(Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang maaabot ng Philippine Superliga (PSL)  ang target na 16-teams na kalahok sa 2020 Beach Volleyball Challenge Cup sa Nov. 26-29 sa Subic bubble.

Dalawang teams mula sa Premiere Volleyball League (PVL) ang nagkumpirma ng paglahok sa torneong gagawin sa bubble format na siyang pinapayagan lamang ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Mula sa PSL, maglalahok ng tatlong teams ang Sta. Lucia, dalawa mula sa Cignal habang nagpa-finalize pa ng line-up ang F2 Logistics. Nagkumpirma rin ng partisipasyon ang United Auctioneers.

May tatlong provincial teams pa ang interesadong sumali mula sa Visayas at Pampanga. Ang mga guest teams ay maaaring maglahok ng dalawang koponan.

Ang dalawang teams mula sa  PVL na  sasali sa Subic bubble ay ang Motolite at Petro Gazz.

Wala pang final line-up ang mga teams ngunit inihayag  ng Sta. Lucia na kasama sa kanilang mga players sina DM Demontano, Jackie Eustoquia, Bang Pineda, Glaudine Troncoso, Marge Tejada at Jinggay Bangad.

Isasalang naman ng Cignal sina Jovelyn Gonzaga at Fiola Cebalos.

“We are really opening our doors to other clubs who are not part of the PSL to make the league bigger and better in the next few years,” ani PSL chairman Philip Juico.

 

VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with