Magkakaalaman na sa Chooks-to-Go 3x3 Grand Finals
Nilda Moreno (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling makikilatis ang tikas ng powerhouse team na Zamboanga City Family’s Brand Sardines sa Grand Finals ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup na lalaruin sa INSPIRE Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna, ngayong araw.

Nakatambay ang Fa-mily’s Brand Sardines sa tuktok ng tour ranking matapos sikwatin ang tatlo sa apat na legs na pinag-labanan sa mahigit isang linggong banatan.

Mag-aabang ang top four teams ng makakalaban sa quarterfinals habang knockout ang bakbakan ng walong koponan sa eliminations.

Komolekta ng 345 tour points ang Zamboan-ga City, nasa No. 2 ang Leg 3 champion Butuan City Uling Roasters na may 330 points. Nasa Nos 3 at 4 ang Nueva Ecija Rice Vanguards, (240pts.) at Pasig-Sta. Lucia Realtors, (215pts.)

Makakalaban ng Fami-ly’s Brand Sardines sa quarters ang mananalo sa pagitan ng Porac BigBoss Cement at Zamboanga Peninsula Valientes.

Inaasahang mas magiging mainit ang bakbakan sa Grand Finals  dahil nakalaan ang P1-M premyo sa magkakampeon na team.

May P100,000 ang kukubrahin ng magkakampeon sa bawat leg, kaya P300,000 na ang nahahamig ng Family’s Brand Sardines.

Ang ibang koponan na kalahok ay ang Palayan City Capitals, Sarangani Marlins, Bacolod Master Sardines, Bicol Paxful, Roxas Petra Cement at Pagadian City Rocky Sports.

CHOOKS-TO-GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with