Karera sa Sta. Ana Race Park gagawin ngayong Sabado
Nilda Moreno (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang respeto sa araw ng mga patay sa susunod na linggo, ginawang Sabado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ang bakbakan sa karera.

Kaya bukas na masisilayan ang labanan ng mga batang kabayo sa 2020 PHILRACOM 2nd Leg Triple Crown Championship na ilalarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Markado ang Heneral Kalentong sa nasabing prestihiyosong karera na may distansyang 1,800 meters na inisponsoran ng PHILRACOM.

Target ng may ari ng Heneral Kalentong na si Benjamin Abalos na makuha ang panalo upang manatiling may tsansa sa asam na triple crown sweep.

Nagwagi sa unang leg ang Heneral Kalentong sakay si jockey Jessie Guce.

Ang iba pang kasali na magbibigay hamon sa Heneral Kalentong ay ang Tifosi, Cartierruo, Four Strong Wind, Prime Time Magic at Runway.

Masisilayan din ng mga karerista ang banatan ng mga tigasing kabayo sa Hopeful Stakes race at Three-Year-Old Locally Bred.

Nagpalista rin sa Three-Year-Old Locally Bred ay ang Bishop Blue, Noon Bell, Super Shelltex, After Party, Bourne Wardini, Cool Mom, Drummer Girl, La Republika, Nicole’s Favorite, Parokya Ni Paolo at Radio Gaga.

Mag-uunahan sa meta sa Hopeful Stakes race ang Exponential, Go Go Rosario, Zenaida,  Abetski, Bourne Leader, Calbayog, Sky Shot, Spandau Ballet at Victorious Run.

PHILRACOM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with