PBA schedule sumikip
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - October 30, 2020 - 12:00am

Hindi pahahabain ng PBA ang kanilang AUF bubble play dahil sa mga naganap na game postponements.

Ang plano ay isingit sa original schedule at maghatid ng triple-headers sa halip na i-extend ang kanilang kalendaryo.

Kung may extension kasi ay baka Pasko na, nakakulong pa rin ang ilang miyembro ng PBA de-legation sa Quest Hotel.

Kung sagad sa schedule ang tapos ng lahat ng serye (quarterfinals, semifinals at finals), Dec. 18 malalaman kung sino ang susungkit sa PBA bubble glory.

Dahil sa pagkaunsyami ng kanilang dalawang laro, nahaharap ngayon sa masikip na schedule ang Blackwater Elite.

Wala naman silang masisisi dahil sa lumabas na COVID test result ng isa nilang player.

Positive sa initial swab test pero nagnegatibo sa antigen at confirmatory swab test.

Siguro magpasala-mat na lang sila na false positive, false alarm at konting gambala lang ang sinapit nila.

Magpasalamat din sila na buo pa rin ang PBA bubble kaya’t diretso ang PBA Philippine Cup restart. May magandang natatanaw at the end of the tunnel.

Sana pagsapit ng 2021, nariyan na ang vaccine, maaari nang paluwagin ang community quarantine at bumalik sa normal ang sports activities, kasama na ang pagbubukas ng pinto para sa viewing fans.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with