San Miguel rumesbak
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 29, 2020 - 12:00am

Blackwater tengga pa rin

MANILA, Philippines — Ipinakita ng San Miguel ang kanilang puso matapos makabangon mula sa 13-point deficit sa third period para iposte ang ikatlong sunod na panalo.

Pinamunuan nina Arwind Santos at Moala Tautuaa ang pagbawi ng Beermen sa final canto para resbakan ang Meralco Bolts, 89-82 sa 2020 PBAPhilippine Cup kagabi sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

Ang panalo ang nagtabla sa San Miguel sa Barangay Ginebra at Phoenix sa ikatlong posisyon sa magkakatulad nilang 4-2 record, habang nabigo ang Meralco na maitala ang three-game winning run sa kanilang 3-3 kartada.

Inilista ng Bolts ang 65-52 abante sa huling 2:17 minuto ng third quarter mula sa 52-52 pagkakatabla bago agawin ng Beermen ang 86-80 bentahe sa 2:47 minuto ng fourth period.

Sinelyuhan ni Chris Ross ang panalo ng San Miguel sa kanyang three-point shot sa nalalabing 19 segundo.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay muling ipinagpaliban ang laro ng Blackwater sa 2020 PBA Philippine Cup.

Ayon sa inilabas na statement ng PBA, wala pa silang natatanggap na approval mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para palaruin ang Elite laban sa Magnolia Hotshots kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

“The game between Magnolia Hotshots and Blackwater Elite at 4 p.m. today is cancelled pending IATF approval,” ayon sa statement.

Isang Blackwater player ang nauna nang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ngunit nagnegatibo matapos sumailalim sa antigen at ikalawang confirmatory RT-PCR test. Nananatili ang nasabing Elite player sa quarantine facility sa Athletes’ Village sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Negative na rin ang buong team sa mandatory test ngunit tengga muna silang lahat habang hinihintay ang go-signal ng IATF.

Noong Lunes ay ipinag-paliban din ang pakikipagtuos ng Blackwater kontra sa Rain or Shine at ang pagsagupa ng TNT Katropa sa NorthPort dahil sa nasabing kaso ng COVID-19.

Ang TNT ang huling nilabanan ng Elite at nagnegatibo na rin asa mandatory test at naka-schedule na labanan ang NLEX nga-yong gabi.

SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with