Newsome, Eboña angat ang laro
Chris Newsome
Newsome, Eboña angat ang laro
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines —  Sinungkit ni Chris Newsome ng Meralco ang PBA Press Corps Player of the Week para sa 2020 Philippine Cup restart dito sa bubble habang si Barkley Eboña naman ang itinanghal na Rookie of the Week.

Isinalba ng dalawang manlalaro ang Bolts (3-2) at Aces (3-3) mula sa masamang opening week upang malagay na ngayon sa middlepack ng team standings papasok sa kalagitnaan ng umaatikabong PBA reboot dito.

Walang talo ang Meralco sa nakalipas na linggo kontra Magnolia at NLEX sa likod ng all-around ave-rages na 20.5 points, 6.5 rebounds, 6.0 assists at 1.5 blocks ni Newsome.

Pinakamagandang performance niya ang 23-7-6 statline sahog pa ang last-second shot sa malaking 109-104 overtime win ng Bolts kontra sa Hotshots.

Breakout averages na 17.33 points, 4.0 rebounds, 1.3 assists at 1.0 block naman ang ipinamalas ng no.4 overall pick na si Eboña sa kanyang 24-point perfoprmance mula sa 10-of-11 clip shoopting sa 120-82 panalo sa Blackwater.

Unanimous vote ang nakuha ng dalawang cagers mula sa mga miyembro ng PBA Press Corps para sa lingguhang parangal. Sinundan nila ang opening week winners na sina RR Pogoy ng TNT Tropang Giga at rookie Adrian Wong ng Rain or Shine.

*ABUEVA INSPIRASYON ANG NANAY AT ASAWA-- Bukod sa kanyang koponan, pamilya at fans, inialay ni Calvin Abueva ang kanyang PBA comeback sa kanyang pinakamamahal na lola Siony na may iniindang karamdaman ngayon at nagpapagaling sa ospital.

“She’s my no.1 fan. Since naglaro ako, ‘yan na ang sumusuporta sa akin, kahit saan ako magpunta, saan ako mapadpad, ‘yan ang laging nakasunod sa akin. Kaya this game, inaalay ko sa kanya,” ani Abueva na naging maugong ang pagbabalik mula sa indefinite suspension.

Walang kupas si “The Beast” sa kabila ng 16 buwang pagkakatengga nang magpakawala ng halos triple double na 21 puntos, 13 rebounds at 7 assists sa 114-110 panalo ng Phoenix kontra sa NLEX.

*MONTALBO BABALIK NA-- Malapit nang ma-kabalik si rookie Kib Montalbo mula sa plantar fasciitis  injury. “I’m better now, I can play probably this week or next week. It depends. Day-to-day pa rin,” aniya.

 

CHRIS NEWSOME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with