NBA players sa Olympics U.S.A. Team?
(Pang-masa) - October 28, 2020 - 12:00am

NEW YORK — Maaaring magkaroon ang Team USA ng NBA All-Star cast team para sa 2021 Olympic Games kung itutuloy ng NBA ang kanilang planong tapusin ang darating na season bago ang nasabing world showpiece na gagawin sa Tok-yo, Japan.

Gusto ng NBA na simulan ang darating na season sa Disyembre 22 kasama ang paglalatag ng 72-game regular season schedule para sa bawat koponan at itiklop ito bago ang 2021 Tokyo Olympics.

Iniurong ang nasabing quadrennial event sa Hulyo 23, 2021 dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Nagposte ang Team USA ng isang LeBron James GIF para ipakita ang kanilang kasabikan.

Nagpahayag na ng interes ang mga American NBA stars na maglaro para sa Team USA sa 2021 Tokyo Olympics matapos ang seventh-place finish noong 2019 Fiba World Cup sa China.

Isa si James ng Los Angeles Lakers, nagkampeon sa nakaraang 2020 NBA Finals laban sa Miami Heat, sa mga inaasahang magsusuot ng uniporme ng Team USA sa 2021 Olympics.

OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with