PBA bubble Intact pa rin
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

Nag-negative silang lahat

CLARK, Pampanga, Philippines — Tiniyak ng PBA at ng Clark Development Corporation (CDC) na nananatiling ligtas ang bubble matapos mag-negatibo ang 350-man PBA delegation kasama ang Blackwater player at ang referee na suspected COVID-19 case.

Mula sa unang suspect COVID-19 case  na referee at ang Blackwater player na naging probable case rin, green and go na sa PBA bubble papasok sa ikatlong linggo ng umaatikabong 2020 Phi-lippine Cup restart dito.

“The bubble remains intact and has not been breached,” anang PBA.

*BLACKWATER PLAYER KUMPIRMADONG NEGATIVE-- Kagaya ng game official na nag-negatibo sa confirmatory test, negatibo rin ang resulta ng Blackwater player sa parehong antigen at RT-PCR test pagdating niya sa qua-rantine facility sa Capas, Tarlac kamakalawa.

Naunang nag-positibo ang manlalaro noong Linggo ng umaga kaya  nilisan muna ang PBA bubble at dinala sa qua-rantine facility sa Athletes’ Village sa New Clark City (NCC).

Ayon sa protocols, kailangan munang tapusin ang quarantine sa NCC at mag-negatibo ulit sa RT-PCR pagkatapos ng quarantine.

*NEGATIVE LAHAT NG RESULTA--Nag-negative rin ang swab test ng mga PBA offficials, referees, media, TV5 crew, Quest hotel at AUF staff para sa kanilang ikalawang round ng mandatory testing protocols.

Negatibo rin ang Alaska, Blackwater at TNT sa kanilang re-tests matapos ang exposure sa suspect case na referee na naging false positive.

Noong nakaraang linggo ay nagnegatibo ang lahat ng 12 PBA teams sa mandatory testing na kada-dalawang linggo na protocol sa loob ng bubble.

*PARA SAFE, KI-NANSELA ANG TNT-NORTHPPORT GAME-- Bilang precautionary measures, kinansela ng PBA ang laban ng TNT at Northport na dapat ay se-cond game kagabi.

Sumailalim kasi sa isolation ang TNT gayundin ang Blackwater noong weekend bago mag-negatibo sa test.

Nauna nang nasuspinde ang laban ng Blackwater kontra sa Rain or Shine noong Sabado. Iaanunsyo na lamang ang bagong  playdate.

*IKATLONG LINGGO NA NG PBA BUBBLE-- Gagawin na rin ang ikatlong cycle ng mandatory testing para sa koponan ng Magnolia, Terrafirma, Meralco, Phoenix at TNT  at susunod na rin ang ibang koponan.

Noong Oktubre 11 lang lumarga ang PBA reboot pero nasa bubble na ang mga PBA teams noon pang Setyembre 28.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with