Ganda ng gising ni Abueva
Calvin Abueva
Ganda ng gising ni Abueva
Russell Cadayona (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ito na ang pinakamagandang gising ni Calvin Abueva sa loob ng PBA ‘bubble’.

Sa kanyang Instagram post kahapon ng umaga ay kitang-kita ang maaliwalas na mukha ng 32-anyos na small forward ng Phoenix, isang araw matapos alisin ni PBA Commissioner Willie Marcial ang kanyang indefinite suspension.

“Ganda ng gising ko ngayon ah,” sabi ng 2013 PBA Rookie of the Year.

“Thank you lahat sa mga sumusuporta sa akin at thank you sa lahat ng dasal niyo. Eto na, makakapaglaro na po ako. Ina-alay ko po ‘tong game na ‘to sa inyo.”

Nakatakdang gawin ni Abueva ang kanyang pagbabalik sa PBA sa pagsagupa ng Fuel Masters laban sa NLEX Road Warriors kagabi sa 2020 Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

“Mamaya, pakita po natin kung ano ang laro natin… Natupad na po lahat ng pangarap natin na makabalik. Game time na mamaya,” ani Abueva

Halos 16 buwan ang hinintay ng tinaguriang ‘The Beast’ para sa kanyang muling pagsalang sa aksyon sa liga.

Nangako rin si Abueva kay Marcial na magi-ging ‘maayos’ sa kanyang pagbabalik sa hardcourt at ipagpapatuloy ang counseling programs.

Kung muling magi-ging pasaway ang tubong Angeles, Pampanga ay may mabigat na kaparusahang naghihintay sa kanya, ayon kay Marcial.

Sa muling pagsusuot ni Abueva ng uniporme ng Phoenix ay kumpiyansa si head coach Topex Robinson na puwede nang lumaban ang Fuel Masters para sa korona ng Philippine Cup.

“Having him and putting him in the right place will always give us a better chance,” sabi ni Ro-binson.

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with