Blackwater, TNT naka-isolate
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 26, 2020 - 12:00am

1-player positive sa COVID-19, 1-laro iniliban

CLARK Pampanga , Philippines — Lumabas na ‘false positive’ang referee na suspected COVID-19 positive subalit nagpositibo ang isang manlalaro ng Blackwater, ayon sa joint announcement ng PBA, Clark Development Corporation at Bases Conversion and Development Authority.

Nadala na sa quarantine facility sa Capas, Tarlac ang naturang Blackwater player habang nasa isolation ang buong Elite gayundin ang huling nakalaban nila na TNT Tropang Giga. Sumailalim na rin sila sa swab test at antigen tests kaya nakansela ang naka-iskedyul na laban ng Blackwater kontra sa Rain or Shine kahapon sa SMART 5G-powered Angeles University Foundation Arena.

Matatandaang ang Blackwater at ang Alaska ang huling na-expose sa game official na naunang nag-positibo ang resulta sa swab test noong Miyerkules na nakumpirmang ‘false positive’ matapos mag-negatibo sa antigen at RT-PCR test result kahapon.

Nasama ang TNT sa isolation dahil nakalaban nila ang Blackwater noong Huwebes kung kailan din sila sumailalim sa assurance test kasama ang Alaska.

Nakatakda labanan ng Tropang Giga ngayon ang Northport sa second game ngunit depende ito sa resulta ng kanilang swab test kahapon kung matutuloy ang laro o hindi.

Umaasa ang PBA, CDC at BCDA na kaso ulit ito ng ‘false positive’ kasabay ng pagtiyak na nananatiling ligtas ang PBA bubble at nagawa nila ang karampatang protocols.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa ang resulta ng Alaska team at ang pitong referees na naging first at second layer contacts ng suspected COVID-19 case na referee na nag-negative na.

 

 

BLACKWATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with