Zamboanga-Family’s Brand Sardines wala pa ring makapigil
Nilda Moreno (Pang-masa) - October 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumampa uli sa knockout quarterfinals ang Zamboanga City Family’s Brand Sardines matapos kalusin ang dalawang nakatunggali sa Pool C ng 3rd Leg 2020 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup kahapon sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna.

Unang pinagulong ng Family’s Brand Sardines sa pangunguna nina team captain Alvin Pasaol at Joshua Munzon ang Bicol-Paxful 3x3 pro, 22-11 bago pinayuko ang Bacolod Master’s Sardines, 21-17.

Pagkatapos ng quaterfinals, lalaruin din ang semis at finals ng 3rd leg kagabi. Lumalapit ang Zamboanga City sa pagsilo ng pangatlong P100,000 na premyo na ibinibigay sa champion team ng bawat leg.

Kampeon sa Leg 1 at 2 sina Pasaol at Munson, kakampi nila sina Troy Rike at Santi Santillan.

Bukas ang ikaapat at huling leg habang sa Oktubre 30 ang Grand Finals kung saan nakataya ang P1-M para sa magkakampeon.

Swak din sa susunod na phase ang Bacolod, may kartang 1-1 matapos talunin ang Bicol, 21-15.

Samantala, kahit ma-lamya ang bawat simula ng laro ng Sarangani Marlins ay kinalos pa rin nila ang Big Boss Cement-Porac 21-15 at Pasig-Sta. Lucia, 21-19 upang ilista ang 2-0 karta sa Pool A at umentra na rin sa quarters.

“Slow start ulit kami pero nung nakita namin na five points na ’yung lamang nila. Hindi na kami tumigil, sa awa ng diyos nananalo,” ani Paul Sanga sa kanilang laro kontra sa Pasig.

 

ZAMBOANGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with