Wait wait lang si Abueva
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

CLARK Pampanga, Philippines – Patuloy na naghihintay si Calvin Abueva na matanggal ang indefinite suspension para makalaro na sa natitirang bahagi ng 2020 PBA Philippine Cup restart dito sa bubble.

“It’s really hard that he really wants to play and he wants to contribute. But the best thing that he could do is cheer for us and it’s hard for a coach to always leave the gym or a hotel knowing that one of your sons is not there with you in this battle,” anang maluha-luhang Phoenix coach na si Topex Robinson matapos ang kanilang 91-84 comeback win kontra Magnolia. “I love Calvin. Everybody loves Calvin. And again, we are doing it for Calvin.”

Kasama ng Phoenix si Abueva sa PBA Bubble subalit hanggang ensayo at hotel lang muna siya hangga’t di pa naaalis ang suspensyon na ipinataw sa kanyan liga noon pang Hunyo, 2019.

Nakumpleto na ni Abueva ang mga requirements ng Games and Amusements Board (GAB) habang nasa bubble at nakuha na ulit ang professional license. Go-signal nalang ng PBA ang hinihintay niya ngayon.

Bagama’t gusto nang makasama si “The Beast”, inire-respeto ni Robinson ang proseso ng PBA bago siya tuluyang makabalik. “We honor what they are doing for Calvin. I know the commissioner is doing the right thing. It’s just hard to explain to him those things. He has been through challenging times and again, all that we can do for him is just fight because we want to give it to him because that’s what he needs right now,” aniya.

*PAHINGA MUNA SI CASTRO-- Pahinga muna si Jayson Castro ng TNT Tropang Giga bunsod ng right calf tightness.

Hindi naglaro si Castro sa 109-96 panalo ng TNT kontra Blackwater kamakalawa subalit inaasahang sasalang na ulit sa Lunes kontra Northport.

Solo sa tuktok ng team standings ngayon ang tropa ni Castro hawak ang malinis na 5-0 kartada.

 

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with