No. 23 sa NASCAR team ni Jordan
Michael Jordan at Bubba Wallace
No. 23 sa NASCAR team ni Jordan
(Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

CHARLOTTE, N.C. — Malalaman agad kung aling sports car ang kay Michael Jordan dahil siyempre, gagamitin niya ang No. 23.

Si Bubba Wallace ang magmamaneho sa No. 23 car sa pagsabak ng koponan sa kanilang debut sa susunod na NASCAR season.

Pinangalanan ni Jordan ang kanyang NASCAR team na 23XI Racing bilang pagpupugay sa kanyang retired uniform number sa Chicago Bulls at ang car number ng kanyang partner na si three-time Daytona 500 champion Denny Hamlin.

Noong nakaraang buwan ay  inihayag nina Jordan at Hamlin ang pagbubuo nila ng isang NASCAR team at pinili si Wallace bilang kanilang driver. “This is the start of the new adventure! So ready! #23XI,” sabi ni Wallace sa kanyang Twitter account.

“A new chapter in Motorsports. The norm doesn’t fit for us. This is only the beginning. @23XIRacing,” ang tweet ni Hamlin.

MICHAEL JORDAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with