Mahigpit ngayon sa PBA bubble
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - October 24, 2020 - 12:00am

CLARK, Pampanga, Philippines — Puwede na uling gumalaw ang  350-strong delegation dito subalit mas mahigpit na ang protocols at pinaigting ang pag-iingat upang mapanatiling ligtas ang PBA bubble.

Nalagay sa lagpas 24 oras na limitadong paggalaw ang PBA entourage bunsod ng suspected COVID-19 case sangkot ang isang referee para isailalim sa sanitation ang buong bubble dito sa Quest Hotel sa Mimosa Leisure Estate.

Nagbukas na ulit ang Meqeni lounge, gyms, pools at ang malaking compound area para sa jogging at running.

Sinampolan agad ito nina Barangay Ginebra coach Tim Cone, TNT Tropang Giga consultant Mark Dickel at assistant coach Ranidel De Ocampo na nag-jogging habang nagbisikleta naman si NLEX deputy Jojo Lastimosa.

*7-REFEREES NAG-SWAB TEST NA ULI-- Sumailalim na uli sa swab test ang pitong referees na kinukunsiderang first at second layer contacts ng ‘positive referee’ matapos ma-isolate ng 12-oras.

Inaasahang lalabas ang resulta ngayong weekend.

Nauna nang nagnegatibo ang mga naturang refe­rees kasabay ang ibang batch ng PBA delegation kamakalawa, kung kailan nakapagtatakang nagpositibo ang kasamahang game official.

Sinasabing ‘false positive’ ang referee matapos mag-negative sa antigen test pagpasok sa quarantine facility sa Capas, Tarlac subalit sasailalim pa rin sa confirmatory test para sigurado.

*BAWAL ANG DELIVERIES AT ‘AYUDA’-- Ipinagbabawal pa rin ang pagpapa-deliver  o ayuda mula sa labas na pinapayagan noong mga nakaraang linggo ng 2020 Philippine Cup restart.

Tuwing Biyernes sana ang delivery sa bubble ng anumang supplies na kailangan ng mga manlalaro at coaches mula sa Maynila.

Maging ang mga food deliveries ng accredited fastfood chains ng Quest Hotel ay bawal muna.

*RACAL OUT NA SA BUBBLE-- Nakalabas na si Alaska Aces forward Kevin Racal ng bubble para sa operasyon ng kanyang ACL injury na nakatakda na sa Miyerkules. Kailangan niyang asikasuhin ang mga kailangan sa operasyon.

Dahil wala pa ang resulta ng huling swab test, nag-antigen test muna si Racal bago umuwi at negative naman ito.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with